Liderato ng Senado, kinalma ang publiko sa harap ng kumakalat na balitang pagdukot sa mga kabataan

Tiwala si Senate President Tito Sotto III na alam ng Philippine National Police o PNP ang dapat gawin laban sa mga kumakalat na balita ng pagdukot umano sa mga kabataan.

Ayon kay Sotto, ang pambansang pulisya ay hindi na kailangang turuan pa ng mga politiko at mga kritiko na wala namang nagagawa.

Bukod kay Sotto ay pinayuhan din ni Senator Ronald Bato Dela Rosa ang publiko na huwag matakot dahil kung mayroon man talagang nangyaring pagdukot ay isolated cases lamang.


Sa pagkakaalam ni Dela Rosa ay mayroon nang sinusundan na teorya ang PNP ukol sa patuloy pagkalat ng balitang may nangyayaring pagdukot sa mga kabataan.

Pero tumanggi si Dela Rosa na ihayag ito upang hindi makaapekto sa hakbang ng mga otoridad.

Facebook Comments