Kinampihan ni Senate President Tito Sotto III ang hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte na amyendahan na lang ang Konstitusyon sa halip na isakatuparan ang pagpapalit sa porma ng gobyerno patungong Federalism.
Katwiran ni Sotto, masyadong mahaba ang panahon na kakailanganin sa transition period para sa Federalism.
Diin ni Sotto, mas makabubuti kung aamyendahan na lang ang local government code para mabigyan ng lubos na otonomiya ang mga lokal na pamahalaan.
Dagdag pa ni Sotto, pwede ring isama sa aamyendahan ang mga economic provision na nakapaloob sa ating saligang batas.
Facebook Comments