Suportado ni Senate President Vicente Sotto III ang mungkahi na itigil na ang paggamit ng face shield dahil sapat na ang face mask.
Paliwanag ni SP Sotto, hindi pa napapatunayan na epektibo ang face shield sa paghadlang na mahawa ng COVID-19 virus.
Sang-ayon din si SP Sotto na wala ng ibang bansa ngayon ang nagpapagamit pa ng face shield sa kanilang mamamayan.
Unang inihirit ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang pagtigil ng publiko sa paggamit ng face shield dahil dagdag-gastos at sa halip ay gamitin na lang ito sa loob ng mga ospital.
Pero diin naman ni Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go, mainam na hayaan muna ang mga eksperto na pag-aralan ang nabanggit na mungkahi.
Facebook Comments