Manila, Philippines – Suportado ni Senate President Tito Sotto III ang hirit ng iba’t-ibang labor groups na mahigit P700 increase sa minimum wage.
Naiintindihan ni Sotto ang timing ng paghingi dito ng mga manggagawa dahil bukas ay Labor Day.
Pero sa tingin ni Sotto, mas mainam na ibigay ang dagdag sweldo pagkatapos ng eleksyon upang hindi mapulitika.
Giit naman ni Senator Koko Pimentel, dapat i-compute na mabuti ang makatwirang sweldo para sa mga manggagawa at hindi lang basta minimum wage.
Facebook Comments