Liderato ng Senado, tiniyak ang pagiging bukas sa panukalang Cha-Cha

Nagkausap na sa telepono sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri ukol sa panukalang Charter Change o Cha-Cha.

Ayon kay Romualdez, tiniyak sa kanya ni Zubiri na magiging bukas ito sa isinusulong ng Mababang Kapulungan na pag-amyenda sa mga economic provision sa 1987 Constitution.

Bunsod nito ay umaasa si Romualdez na katulad ni Zubiri ay magiging bukas na rin ang ibang mga senador na ireporma ang mga restrictive economic provision sa ating Saligang Batas.


Binanggit ni Romualdez na base sa pahayag ni Zubiri ay inaantabayanan ng Senado ang magiging report ukol sa panukalang Cha-Cha ng Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na pinamumunuan ni Senator Robinhood Padilla.

Facebook Comments