
Pinatataasan ni Senate President pro-tempore Tito Sotto III ang budget para sa hygiene at medical needs ng mga kababaihang persons deprived of liberty (PDLs).
Sa budget deliberation para sa pondo ng Department of Justice (DOJ) sa 2027, pinuna ni Sotto na hindi sapat ang medical allowance na nakalaan para sa check-up at maintenance para sa gamot ng mga PDLs.
Ayon kay Senator Kiko Pangilinan, sponsor ng DOJ budget sa Senado, mula noong 2022 ay napako sa P3,000 kada taon ang pondo sa nasabing allowance.
Sinabi ni Pangilinan, katumbas ito ng P300 kada buwan na allowance para sa toothpaste, toothbrush, sabon, at iba pang hygiene needs.
Iginiit naman ni Sotto na kung maaari ay ikunsidera na dagdagan ang pondo lalo na sa medical needs.
Natanong din ng senador ang tungkol sa sustenance allowance para sa mga PDLs na nasa P100 kung saan ayon kay Pangilinan ang allowance para sa pagkain ng mga PDLs ay tumaas na sa 30 percent ngayong taon mula sa 25 percent noong nakaraang 2025.










