Manila, Philippines – Pinawi ni Senate President Tito Sotto III ang pangamba na sa kulungan babagsak ang mga menor de edad na magkakasala sa batas.
Diin ni Sotto, sa Bahay Pag-asa dadalhin ang mga kabataang makagagawa ng krimen nang wala pa sa hustong gulang.
Tugon ito ni Sotto sa mga komokontra at labis na bumabatikos sa panukalang ibaba ang minimum age of criminal responsibility sa dose o kaya ay nuwebe anyos mula sa kasalukuyang kinse anyos.
Sa panukala ni Sotto, titiyaking magiging maayos at may programang nakalatag sa mga Bahay Pag-asa para sa rehabilitasyon ng mga magkakasalang menor de edad.
Facebook Comments