Liderato ng Senado, tiwalang malaki ang maitutulong ng PNP sa contact tracing kaugnay sa nCoV

Maging sina Senate President Tito Sotto III at Senator Panfilo Ping Lacson ay tiwala na malaki ang maitutulong ng philippine national police o PNP para mapabilis ang ginagawang contact tracing ng Department of Health (DOH).

Magugunita na unang iminungkahi ni Senator Ronald Bato Dela Rosa na pakilusin ang PNP makaraang lumabas sa pagdinig ng senado na mabagal ang pagtukoy ng DOH sa mga nakahalubilong pasahero ng eroplano ng dalawang Chinese Nationals na naunang kumpirmadong kaso ng nCoV sa bansa.

Sa pagkakaalam ni Sotto ay iisa lang ang tauhan ng DOH-Epidemiology office sa bawat rehiyon kaya marahil mabagal ang contact tracing.


Diin naman ni Senator Lacson, kahit noong panahon ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) ay pinakilos din ang pambansang kapulisan.

Facebook Comments