Limang nakatakas na preso ng Manjuyod District Jail, balik kulungan na

Balik kulungan na muli ang limang nakapugang preso ng Manjuyod District Jail matapos na makatakas ang mga ito noong nakalipas na araw ng Lunes.

Ayon kay Jail Chief Superintended Paulino Moreno, Direktor ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 7, dalawa sa mga ito ang sumuko sa mga awtoridad habang naaresto naman ang tatlo sa ikinasang hot pursuit operations.

Kinilala ang mga sumuko na sina Janly Callao at Ronie Flores habang ang mga naaresto naman ay sina Joseph Casido, Julan Paculanang at Lito Pedro sa tulong ng Tayasan Police Station.


Dahil dito, sinabi ni Moreno na hindi na ibabalik sa Manjuyod District Jail ang mga nasabing bilanggo sa halip ay dadalhin ito sa Dumaguete City at Bais District Jail.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng BJMP ang nangyaring pagpuga ng mga nabanggit na preso.

Facebook Comments