Hindi pabor si Senate President Vicente Tito Sotto III sa mungkahi na i-decrminalize ang kasong libel kung saan multa na lang ang magiging parusa nito at wala ng pagkakulong.
Reaksyon ito ni Sotto sa tweet sa kanya ni Departent of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na kung ma-decriminalize ang kasong libelo ay mas masakit magbayad ng danyos.
Ang nabanggit na tweet ni Locsin ay sa gitna ng isyu ng hatol na guilty ng korte kay Rappler CEO Maria Ressa at dati nitong researcher/writer.
Paliwanag ni Sotto, ang kasong libelo ay uri ng pagsisinungaling na hindi lang ipinagbabawal ng batas kundi kasama rin sa sampung utos ng Panginoong Diyos.
Diin pa ni Sotto, lahat ng kaso na may kaugnayan sa pagsisinungaling, tulad ng perjury ay may parusang pagkakakulong.