Liderato ni Arroyo, “remarkable at efficient” ayon sa Kamara 

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Kamara de representantes ang resolusyon na nagbibigay ng komendasyon kay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para sa kanyang katangi-tangi at mahusay na pamumuno bago magtapos ang 17th Congress.

Walang anumang naging pagtutol sa resolusyon na inihain ng mga Kinatawan na sina Fredenil H. Castro at Danilo E. Suarez.

“Through sheer hard work, efficiency and professionalism, Speaker Gloria Macapagal-Arroyo steered the House of Representatives to fully realize President Duterte’s change and development agenda that will make a positive impact on the lives of the Filipino people.”


Kabilang sa mga makabuluhan na batas na pinangunahan at inisponsoran ni SGMA na umani ng boto sa kapwa niya mga mambabatas ay ang pagpasa sa samut’saring socio-economic measures katulad ng mga sumusunod:

  • Republic Act 11054 o ang “Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao”
  • Republic Act 11055 o ang  “Philippine Identification System Act”
  • Republic Act 11210 o ang “105-Day Expanded Maternity Leave Law”; RA 1223 (Universal Health Care Act)
  • Republic Act 11291 o ang “Magna Carta of the Poor”
  • Republic Act 11310 or the “Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act”.

Ang dating Presidente na si Arroyo ay nahalal sa posisyon bilang Speaker of the House, ang pang-apat sa pinakamataas na opisyal sa bansa, noong July 23, 2018 ilang sandali bago magtalumpati si Rodrigo Duterte ng kanyang State of the Nation Address (SONA).

Mayorya o 184 sa 238 na miyembro ng Mababang Kapulungan ang bumoto sa speakership ni Arroyo kung saan 12 lamang ang tumutol.

Makalipas ang sampung buwan ay pinapurihan si SGMA ng mga miyembro ng Kamara dahil sa matagumpay na pakikipag relasyon sa mataas na kapulungan o ang senado at sa Executive Department-anuman ang kanilang political belief, persuasion at direction.

Hindi tulad ng mga panukalang batas, ang resolusyon ay kadalasang ginagamit ng mga miyembro ng Kamara para ihayag ang kanilang opinyon sa mga kasalukuyang usaping panlipunan na nakaapekto sa pambansang interes.

Sinabi naman ni Arroyo sa kanyang mensahe ng pamamaalam “my concern has not been on my legacy as Speaker – my concern as Speaker was to support President Duterte’s legacy in the year that I had as the head of this House.”

Nakasaad pa sa resolusyon “Speaker Arroyo directed the House to work tirelessly, thus successfully passing all the priority measures enumerated by the President in his 2018 State of the Nation Address.”

Facebook Comments