PNP-HPG, tutulong na rin sa crackdown sa ‘colorum’

77

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na 35 na mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group ang kanilang makakatuwang sa pagpapatupad ng batas-trapiko sa mga kalsada sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Ayon kay LTO-NCR Regional Director Clarence Guinto, ipapakalat sa Metro Manila at iba pang rehiyon ang deputized HPG team bilang suporta sa mas pinalawak na operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT).


Kabilang sa trabaho ng nabanggit na bilang ng PNP-HPG ang paglansag sa talamak pa ring operasyon ng mga kulorum na pampublikong sasakyan at ang istorbong dulot sa kalsada ng mga illegally parked vehicles.

Facebook Comments

From Advertisers