LIFE-CHANGING | Jerald Napoles hindi umaasang magiging leading man sa isang pelikula

Manila, Philippines – Never in his wildest dreams ang naisip ni Jerald Napoles sa mga nangyayari sa kaniyang career ngayon, kabilang na ang kaniyang pagiging leading man sa isang pelikula.

Aniya, malayong-malayo raw kasi ito sa kalagayan niya dati na kahit pasukin niya ang telebisyon at pelikula ay hindi niya na-imagine na magiging leading man siya at magiging bida, tulad ng bagong role niya sa pelikula.

Dagdag pa ni Jerald na malaki daw ang nabago sa buhay niya ng napasok siya sa industriya.


Pero may pressure sa kaniya dahil ito raw ang unang pelikula niya na siya ang bida, at sinugalan pa ito ng VIVA Films para mailabas nationwide.

Inamin pa niya na natatakot siyang maikumpara sa pelikulang Kita Kita na ginawaran bilang Box Office Indie Film.

Facebook Comments