Magkapatid na Nalasing sa Benito Soliven Isabela, Humantong sa Pananaksak!

Benito Soliven, Isabela – Humantong sa pananaksak ang inuman ng magkapatid na gamit ang basag na bote pasado alas nuwebe kagabi dahil sa kalasingan sa Brgy. District 2, Benito Soliven.

Ayon kay Police Senior Inspector Joel Bumanglag, ang hepe ng Benito Soliven Police Station na kinilala ang biktima na si Delmar Gumalut, bente dos anyos, walang asawa, samantala ang kuya nito na sumasaksak ay si Jun-Jun Gumalut, dalawampu’t walong taong gulang, may asawa at pawang residente ng naturang lugar.

Sinabi pa ni Police Senior Inspector Bumanglag na naganap ang pananaksak sa harapan ng bahay ng magkapatid.


Nagtamo ng sugat sa iba’t iibang bahagi ng katawan ang biktima lalo na sa kaniyang balikat na itinakbo sa San Mariano Community Hospital kung saan ay nasa maayos na kalagayan sa ngayon.

Hindi pa nahuhuli si Jun-Jun Gumalut habang iniimbestigahan pa ng PNP Benito Soliven ang nasabing pangyayari.

Facebook Comments