Lifeline rate para sa internet access, dapat itatag

Iginiit ni Senador Imee Marcos na kailangang kilalanin ang internet access bilang pangunahing karapatan sa kaparehong lebel ng kuryente at tubig.

Dahil dito ay isinulong ni Marcos ang pagtatag ng lifeline rate para sa paggamit ng internet upang makaagapay o makasabay ang mga Pilipino sa mga hamong hindi lamang dulot ng COVID-19 pandemic kundi nitong 21st century.

Inihain ni Marcos ang Senate Bill 2102 upang maitatag ang “broadband and data lifeline rate” para sa paggamit ng internet, sabay ang pag-aamyenda sa Public Telecommunications Policy Act of the Philippines.


Sa ilalim ng panukala ni Marcos, ang lifeline rate para sa paggamit ng internet ay magbibigay ng iba’t ibang diskwento sa mga “household beneficiaries” o nasa bahay at mga “marginalized end-users” o nakararaming mahihirap na gumagamit ng internet.

Ang mga diskwento ay ibabase sa pagkonsumo na hindi bababa sa one gigabyte (1GB) kada buwan.

Ang mga household beneficiaries ay tutukuyin base sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), habang ang mga tinuturing na nasa marginalized sector ay pipiliin sa pamamagitan ng pamantayang bubuuin ng National Telecommunications Commission (NTC) at sertipikado ng iba’t ibang public telecommunications entities.

Facebook Comments