Itinutulak ni Senador Imee Marcos ang mura o may diskwento na internet access para sa mga mahihirap.
Nakapaloob ito sa inihain niyang Senate Bill 2012 o ang “Public Telecommunications Policy Act of the Philippines.”
Layunin ng panukala ni Marcos na mas maraming Pinoy ang makapagtrabaho, makapag-aral at makapag-negosyo sa online.
Itinatakda ng panukala ng Marcos bill ang lifeline rate para sa broadband at tagal ng paggamit ng data para sa mga kumokonsumo nang hindi bababa sa one gigabyte (1GB) kada-buwan.
Ayon kay Marcos, ang ‘socialized pricing mechanism’ o ang mekanismo para sa akmang presyo sa mga maralita ang solusyon sa mabagal na pagpapalawak ng libreng WiFi sa mahihirap na lugar, na pwede nang ipatupad ng gobyerno at mga kumpanya ng telekomunikasyon.