Lifting ng deployment ban sa mga health workers, kalkulado ng pamahalaan

Kasunod nang pagtanggal sa deployment ban ng mga health workers ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hindi naman dito mapipilay ang pamahalaan.

Paliwanag ni Roque, kalkulado ng gobyerno ang mga ginagawa nitong hakbang.

Sa kabila kasi nang kakulangan sa mga health practitioners ay pinapayagan na ngayong makapangibang bayan ang mga health workers kabilang ang mga nurse upang doon makapagtrabaho.


Giit ng kalihim, nasa 5,000 health workers lamang naman ang pinapayagang umalis ng bansa.

Ayon pa kay Roque, hindi naman sila maaaring pigilang umalis ng bansa dahil mandato ng pamahalaan na tulungan ang ating mga kababayan na maitaas ang kanilang ‘standard of living’.

Kasunod nito inaasahan ding magkakaroon na ng bakuna kontra COVID-19 sa susunod na taon kung kaya’t hindi na ganon kalaki ang magiging demand sa mga health workers.

Facebook Comments