Sa inorganisang forum on the Bangsamoro Basic Law (BBL) ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas sa pakikipagtulungan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ay nagpahayag ng kanilang pagsuporta ang barangay officials sa pagpasa sa panukalang BBL.
Ang pagtitipon ay ginanap kamakailan sa SMX Convention Center, Pasay City.
Sa forum ay tinalakay ang mahahalagang punto na itinampok sa BBL kaugnay ng barangay officials sa Mindanao at ang papel ng local government units sa pagdating bagong political entity, ang Bangsamoro.
Isa sa mga tampok sa programa ay ang “Happy with DU30”, kung saan muling inihayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang commitment ni President Rodrigo Roa Duterte sa pagpasa sa BBL ngayong taon.
Bago nagtapos ang programa, ang lahat ng barangay leaders na mula Mindanao ay nagdeklara ng kanilang masigla at matatag na pagsuporta sa pagpasa sa panukalang BBL na ngayon ay nakabinbin pa sa mataas at mababang kapulungan ng Kongreso.
Liga ng mga Barangay-Mindanao chapter, suportado ang BBL!
Facebook Comments