RELATED MUCH | Vice Ganda – nakaka-relate daw sa pinagdadaanang “emptiness” ni Sarah Geronimo

73

Manila, Philippines – ‘relate much’ daw ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa nararamdamang pagod at ‘emptiness’ ni Sarah Geronimo.

Say ni Vice, kamakailan lang din nang makaramdam siya ng depresyon.

Ilang gabi rin daw siyang hindi nakakatulog at nakakaramdam ng anxiety attack kung saan nahihirapan siyang magtrabaho.

Tanong din niya, marami naman daw siyang pera, blockbuster ang mga pelikula niya, hit ang mga shows niya, pero bakit hindi raw siya masaya?

Pero naliwanagan din daw siya nang payuhan siya nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid kung saan pinakamaganda niyang natutunan ‘yung sinabi ng mag-asawa na “the mind is the playground of the devil.”

Doon daw niya na-realize na masaya naman talaga siya at pinaglalaruan lang siya ng devil para hindi makita ang happiness sa puso niya.

Sa Huli, binanggit din ni Vice na hindi pwedeng masaya ka lang, kailangan din daw ng pahinga.

Facebook Comments