Light Rail Manila Corporation, uumpisahan na ngayong araw ang QR at BeepTM lane sa piling istasyon ng LRT-1

Sisimulan na ngayong araw ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang pilot testing para sa QR at Beep Lane sa piling istasyon sa Ligh Rail Transit (LRT) line 1.

Ito’y alinsunod pa rin sa layuning makapagbigay ng mas maginhawang karanasan para sa mga commuters.

Ang inisyatiba ng LRMC ay naglalayon na bawasan ang average na haba ng pila sa pamamagitan ng direktang pag-sakay ng mga pasahero na may nakahanda ng mga tiket ng tren papunta sa mga turnstile na may QR ticket at beep scanner o mas mabilis na access sa platform ng istasyon.


Ang mga piling istasyon ng LRT-1 para sa pilot testing ay sa Libertad, Quirino, Monumento, Balintawak at Fernando Poe Jr., station.

Pinapayuhan ang mga pasahero na suriin ang mga signage na matatagpuan sa mga pasukan ng istasyon para sa karagdagang detalye.

Samantala, maaaring i-reload ang mga Stored Value Card (SVC) sa pamamagitan ng beep app, gayundin sa pamamagitan ng e-tap loading kiosk at ticket vending machine na makikita sa lahat ng LRT-1 stations.

Facebook Comments