CAAP, nakaantabay na para sa rescue operation sa sakay ng Piper plane matapos matagpuan ang wreckage ng aircraft sa Isabela

Agad na tutulong sa search rescue operations ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa sandaling matukoy na ang eksaktong lokasyon ng piper aircraft.

Ayon sa CAAP, nasa ground na ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) investigators nila upang tukuyin ang kalagayan ng dalawang sakay nito.

Matatandaan kahapon sinabi ng ahensya na natagpuan na ang pinaniniwalaang wreckage nito via helicopter sighting.


Patuloy namang, nakikipagugnayan ang CAAP sa Isabela Local Government Unit (LGU) at Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) investigators para sa iba pang detalye at development ng nasabing aircraft.

Facebook Comments