LIGO LIGO DIN | Babae, hiniwalayan ng asawa dahil sa katamarang maligo

Taiwan | Isang Taiwanese man ang nakipaghiwalay kamakailan sa kanyang asawa dahil sa katamaran daw nitong maligo at mag-toothbrush!
Ayon sa hindi nagpakilalang lalaki, magkasintahan pa lang sila noon ni Lin ay madalas nang maging isyu ang once a week lang na pagligo ng kanyang misis.
Pero nang ikasal na, isang beses sa isang buwan na lang daw ito maligo!
Hanggang sa hindi na raw siya nakatiis nang madiskubreng isang beses na lang sa isang taon mag-shower si misis dahilan kaya isang beses sa isang taon na lang din sila nakakapag-‘loving loving’.
Kaya naman sa halos isang dekadang pagsasama, hindi sila nabiyayaan ng anak.
Sabi pa ng taiwanese man, psychological torture para sa kanya ang unsanitary habits ni lin.
Inaprubahan naman ng korte ang petisyong divorse ng lalaki habang ia-apela raw ito ng kanyang misis.

Facebook Comments