Tag Lamig na, Tag-Ulan pa

Baguio, Philippines – Isang malamig na panahon na naman ang tumambad sa mag hapon sa siyudad ng Baguio City, isama pa ang hindi inaasahan na pag ulan din mag hapon na kung saan dumagdag pa sa lamig na naranasan ng mga tao. Kaakibat ng pag lamig ng panahon ay ang pag bigat na naman ng traffic sa kalsada. Kaya naman paalala din sa mga drivers natin na buma-biyahe paakyat ng Baguio City na mag ingat at siguraduhing i-check ng mabuti ang mga sasakyan lalo na ang breaks para maiwasan ang disgrasya!

Sa datos mula sa PAGASA Baguio Synoptic Station, naitala sa lungsod ang 17 degrees Celcius at maaari pang bumaba ito hanggang 16 degrees Celcius mamayang gabi at asahan pa din ang kalat-kalat na pag ulan sa lungsod.

Paalala sa mga drivers natin sa kalsada na i-check ang mga breaks at kundisyon ng inyong mga sasakyan at mag-ingat dahil madulas ang daan.


Ikaw Idol, sing-lamig ba ng temperatura natin at inuulan din ba ang love life mo?

Facebook Comments