Ayon kay PLT Scarlette Topinio, Information Officer ng PNP Cauayan City, nakahanda aniya ang buong pwersa ng kapulisan sa Lungsod para gampanan ang kanilang mga tungkulin ngayong nalalapit na halalan sa May 9, 2022.
Inihayag ni PLT Topinio, kung ano man ang kanilang mga natatanggap na direktiba mula sa mga kinauukulan ay iyon lamang ang kanilang ipinatutupad ngayong election period.
Matatandaang una nang nagsagawa ng mock election ang dalawang barangay sa Cauayan City na kung saan pinangunahan ng PNP Cauayan ang pagbibigay ng seguridad sa naturang aktibidad at wala namang nakitang naging problema.
Iginiit naman ni Topinio na walang kinikilingan ang kapulisan ng Cauayan sa mga tumatakbong kandidato kaya neutral lamang sila sa pagbibigay ng seguridad sa mga kandidatong nangangampanya.
Umaasa at tiwala naman ang PNP Cauayan City na maisasagawa pa rin ng maayos at payapa ang 2022 elections sa Kalunsuran lalo at sapat naman ang pwersa ng kapulisan para magampanan ang kanilang mandato at tungkulin ngayong panahon ng eleksyon.