Inilunsad ng Department of Health Ilocos Center for Health Development ang Ligtas Christmas Program sa Dagupan City, kahapon.
Isinusulong ng naturang programa ang wastong disiplina sa pagkain at karampatang ehersisyo, ligtas na pagbiyahe at pag-iwas sa paputok ngayong holiday season.
Dinaluhan ito ng mga barangay councils sa lungsod bilang pangunahing tagapagpatupad sa kanilang mga nasasakupan katuwang ang City Health Office at Dagupan City Police Station.
Kaugnay nito, isinagawa rin ang Pledge of Commitment ng bawat ahensya upang paigtingin ang pagbabantay sa kaligtasan at makamit ang masayang pagdiriwang ng kapaskuhan ng bawat pamilyang Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments