LIGTAS | DFA, kinumpirmang walang Pilipinong nadamay sa pananalasa ng bagyong Mekunu sa Oman

Oman – Walang Pinoy na nadamay sa panananalasa ng bagyong Mekunu sa Oman.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), patuloy ang pag-monitor ng Philippine Embassy sa Muscat sa lagay ng mga Pinoy sa Salalah, ang capital city ng Southern Oman.

Ang probinsya kasi ng Dhofar Province na nasa Salalah ang higit na nasalanta ng bagyo kung saan dalawang tao ang nasawi.


Nabatid na aabot sa 49,000 Filipino ang nasa Oman kung saan nasa 10,000 sa mga ito ang nasa Salalah.

Facebook Comments