LIGTAS | DFA, tiniyak na walang Pilipinong nadamay sa shooting incident sa Texas

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nasaktan sa shooting incident sa Texas City kung saan sampu ang namatay at sampu rin ang sugatan na karamihan ay mga estudyante.

Sabi ni Philippine Consul General Adelio Angelito Cruz, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng kanilang tanggapan sa Filipino community sa siyudad matapos ang insidente.

Batay sa tala, halos 2,000 Pilipino ang naninirahan sa Galveston County kung saan naroon ang Santa Fe High School na siyang pinangyarihan ng insidente.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang dati ring estudyante at 17-anyos na suspek na si Dimitrios Pagourtzis na gumamit ng shotgun at revolver na pag-aari ng kaniyang ama.

Una nang lumabas sa imbestigasyon na tinangka ng suspek na magpakamatay pero hindi niya ito nagawa.

Facebook Comments