Kinumpirma ng Department Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino casualties sa nangyaring pag-ulan at malawakang pagbaha sa Italy.
Sa ngayon nasa 29 na katao ang napaulat na nasawi sa itinuturing na pinakamalalang pagbaha sa Italya.
Sa ulat ni Ambassador to Italy Domingo Nolasco sa DFA sinabi nitong nasa ligtas na kalagayan ang nasa 168,000 Filipino community.
Pero pinapayuhan pa rin ng Embahada ang ating mga kababayan na manatiling alerto at sumunod sa anumang abiso ng local authorities.
Sa kabila nito tiniyak ni Nolasco na tuloy-tuloy ang ginagawang monitoring nila sa mga Pinoy partikular na ang mga nasa Abruzzo, Liguria, Lombardy, Veneto, Friuli-Venezia-Giulia at Trentino Alto Adige.
Facebook Comments