LIGTAS | Hepe ng pulisya sa Solana, Cagayan, nakaligtas sa panananambang

12

Cagayan – Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang mga suspek na nasa likod ng panananambang sa hepe ng pulisya at kanyang mga kasamahan sa Solana, Cagayan.

Sa ulat, pinagbabaril ng mga hindi pa mabilang na suspek ang mga pulis na pinangungunahan ni Senior Inspector Renz Baloran habang binabantayan ang mga ballot box na ibabyahe patungong munisipyo.

Mabilis na nakatakbo ang mga pulis at nagtago sa simbahan para makaligtas.

Agad naman nagpadala ng dagdag na tauhan ang pulisya sa lugar kung saan walang nasugatan sa insidente.

Facebook Comments