LIGTAS | Isang estudyante, nakaligtas matapos lapain ng buwaya sa Palawan

Palawan – Ligtas na sa kapamahakan ang isang estudyante matapos na lapain ng dambuhalang buwaya habang naliligo sa karagatan kasama ang kanyang kaibigan sa Bgry. Rabor Balabac, Palawan.

Nakilala ang biktima na nagtamo ng sugat sa kanang paa,likod ng kanang tuhod at sa ibaba ng kanang pigi ay nakilalang si Parsi Hulia Diaz, 16 anyos student, at residente sa naturang lugar.

Ayon sa ulat ng DENR-CENTRO Balabac Palawan, kahapon ng alas 10:30 ng umaga iniulat ni Elven B. Rodriguez, Barangay Captain ng Brgy. Rabor, Balabac, Palawan sa Balabac Mumicipal Police Station na inatake ng buwaya si Diaz habang papasakay sa kanilang motor banca kasama ang kanyang kaibigan na si Ronel Sara agad na kumuha ng paddle ang kanyang kaibigan at hinambalos ang buwaya kayat nakawala ang biktima.


Agad na isinugod sa RHU Balabac ang biktima upang agarang mabigyan ng paunang lunas sanhi na tinamo nitong sugat sa paa, tuhod at pigi.

Facebook Comments