KALABOSO | Top 1 Most Wanted Person, arestado sa Mandaluyong City

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng Mandaluyong Police Station ang tinaguriang No.1 most wanted person sa Mandaluyong City matapos na magpalabas ng Warrant of Arrest si Mandaluyong City Branch 213 Judge Carlos Valenzuela sa pangunguna ni Mandaluyong Police P/Chief Inspector Allan De Leon nang magsagawa ng manhunt operation sa Brgy addition hills Mandaluyong city.

Nakilala ang suspek na may kasong murder na si Jonas Delos Santos 36 anyos residente ng No.7 Blk 38, Welfare Ville compound,Brgy Addition Hills Mandaluyong City.

Ayon kay P/Chief Inspector Deleon ang operatiba ng Station Intelligence Branch and Special Speration Unit ng Mandaluyong Police Station ay nagsagawa ng manhunt operation laban sa wanted person na may kasong murder.


Paliwanag ng opisyal matagal nang nagsagawa ng manhunt, surveillance at stake out operation kay Delos Santos dahil kasong nitong murder na nangyari sa Mandaluyong City at nang makumpirma ng mga pulis ang pinagtataguan ng suspek ay agad nila itong pinuntahan at inaresto sa Bisa ng Warrant of Arrest.
Samantala, Makalipas ang ilang taong pagtatago sa pulisya, bumagsak na rin sa kamay ng Intellegence Operatives ng Marikina City Police Station ang Top 2 Most Wanted Person ng Marikina.

Nakilala ang suspek na Marvin Neri Balnsay may sapat na gulang isang pintor at Painter, residente ng 52 Topaz st Minahan Brgy Tumana, Marikina.

Naaresto si Neri sa kahabaan ng Bouganvilla St. Minahan Brgy Malanday ng mga tauhan ni Marikina City Police Station Intel Operatives sa pangunguna ni P/Inspector Ramiel Soriano sa Bisa Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Judge Felix P. Reyes ng Marikina City RTC Br 272.

Si Marvin Balansay ay nabibilang sa Top 2 Most Wanted Person dahil sa kasong Murder paglabag sa ilalim ng Art.246 ng RPC.

Nakakulong na ngayon sa Marikina PNP si Balansay matapos na maaresto ngga otoridad.

Facebook Comments