Cambodia – Kinupirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino ang nadamay sa malawakang pagbaha sa ilang probinsya sa Cambodia.
Ayon sa DFA tuloy ang kanilang ugnayan sa 300 mga Pinoy sa Cambodia na karamihan sa kanila ay mga misyonaryo.
Sa pinakahuling ulat, baha hanggang ngayon ang mga probinsya ng Stung Treng, Kratie, Thbong Khmum, Kampong Cham, Kandal at Prey Veng.
Kasunod nito pinag-iingat ni Ambassador to Phnom Pehn Christopher Montero ang mga Pinoy sa nasabing bansa dahil kahit na bumaba na ang tubig sa Mekong river may naka-amba pa ring sama ng panahon na posibleng magdulot muli ng mga pagbaha.
Sinabi pa ni Ambassador Montero nakahanda ang embahada na umasiste at magbigay-tulong saka-sakaling may mga Pinoy na madamay sa pagbaha.