LIGTAS NA | 12 batang miyembro ng football team at kanilang coach na na-trap sa kweba sa Thailand, nasagip na

Thailand – Matagumpay na nasagip ang lahat ng 12 bata na miyembro ng football team at kanilang coach na na-trap sa loob ng Tham Luang Cave System sa Thailand.

Sa tulong ng Thai Navy at Elite Foreign Divers ay nailabas sa kweba ang huling batch na binubuo ng apat na lalaki kasama ang kanilang 25-anyos na coach.

Dumaan sa mga masisikip at makikipot na lagusan at sumuong pa sa tubig para mailabas ang mga bata.


Nasa maayos na kundisyon na ang unang walong batang nasagip.

Isang linggo silang isasailalim sa quarantine at dadadaan sa iba’t-ibang pagsusuri.

Facebook Comments