PINAYAGAN | NoKor Films, itatampok sa isang local film festival sa South Korea

South Korea – Inaprubahan ang South Korea ang screening o paglalabas ng pelikula mula sa North Korea.
Ito ay bahagi ng diplomatikong hakbang para sa pagkakabati muli ng dalawang bansa.

Pinayagan ng SoKor na mailabas sa Bucheon International Fantastic Film Festival sa Seoul sa July 12 ang tatlong feature films at anim na short movies ng NoKor.

Kabilang sa itatampok na pelikula galing North ay ang 2016 drama hit na ‘The Story of Our Home’ at ang 2012 romantic comedy na ‘Comrade Kim Goes Flying’.


Iimbitahan din sa event ang ilang North Korean Filmmakers na aaprubahan pa.

Facebook Comments