LIGTAS NA | Enhinyero ng DPWH na dinukot ng Abu Sayyaf, nakalaya na

Sulu – Nakalaya na ang isa sa mga bihag ng Abu Sayyaf Group sa Sulu.

Ito ay kinilalang si Engineer Enrico Nee, enhinyero ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana, alas-8 ng umaga kanina nang palayain ang kidnap victim sa Brgy Latih Patikul Sulu.


Dinukot noong Februaru 14, 2018 ng Abu Sayyaf si Nee sa Kasalamatan Village, Brgy San Raymundo, Jolo, Sulu habang patungo sa kanyang trabaho sa DPWH District 1 Office.

Batay sa kwento ni Nee nahihirapan na ang ASG sa kanilang galaw dahil sa kanyang health condition kaya napilitan na syang palayain.

Sa kasalukuyan nasa Joint Task Force Sulu headquarters na sa Kuta Heneral Teodolfo Bautista Busbus Jolo Sulu ang kidnap victim para sa medical exam and debriefing.

Facebook Comments