Sultan Kudarat Mayor Shameem Mastura, Outstanding Achiever sa larangan ng serbisyo publiko!

Ang “Outstanding Achiever” Award ay parangal mula sa Philippine Top Choice Awards for excellence ngayong taon kay Sultan Kudarat Mayor Shameem Martura.

Personal na tinanggap ni Mayor Mastura ang parangal sa ginanap na Gala/Awards Night ng 2018 PHILIPPINE TOP CHOICE AWARDS FOR EXCELLENCE nitong Sabado, May 19, sa SOLAIRE RESORT & CASINO sa Paranaque City.

Ang pagkilala ay bunsod ng taus-pusong paglilingkod ng alkalde sa kanyang kinasasakupan.


Sinabi ni Mayor Mastura, nagiging inspirasyon n’ya ang kanyang constituents kaya naman mas lalo pa nitong pinaghuhusayan ang pagseserbisyo at pagpapalago ng kanilang bayan.

Ang parangal na iginawad sa kanya ay inihahandog umano ni Mayor MASTURA sa mamamayan ng bayan ng Sultan Kudarat.

Facebook Comments