LIGTAS NA | Magkapatid na sampung araw ng palutang-lutang sa karagatan ng Palawan, nasagip ng PCG Iloilo

Manila, Philippines – Inihayag ni PCG Spokesman Armand Balilo na nasa maayos na kalagayan ngayon ang dalawang magkapatid na nailigtas ng PCG Iloilo at naibalik na rin sa kanilang pamilya habang palutang-lutang ng may sampung araw sa karagatan ng Palawan.

Ayon kay Balilo isinalaysay ng magkapatid na sina Reyland at Renilo Fernandez kapwa residente ng Brgy. Baguingin Tigbauan Iloilo pumalaon sila para mangisda subalit nang nasa laot na ang magkapatid ay biglang sumama ang panahon kung saan humampas sa kanilang sinasakyang bangka ang dambuhalang alon kayat tumaob ang kanilang bangka sa karagatan malapit sa Puerto Princesa Palawan.

Nag-alala ang kanilang pamilya dahil hindi pa nakauwi ang magkapatid kayat agad nagreport ito sa Coast Guard Ilo-Ilo kung saan agad na rin nagsagawa ng Rescue Operation sa magkapatid na Fernandez.


Paliwanag ni Balilo nanghihina ang magkapatid ng masagip ng Coast Guard IloIlo dahil sampung oras ng palutang-lutang sa karagatan.

Facebook Comments