Sinagip ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ang mahigit dalawampung estudyante matapos silang maistranded dahil sa rumaragasang baha.
Basang-basa na at nanginginig sa ginaw ang mag-aaral ng Paulino Dari National High School ng datnan ng rescue team ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Pitogo, Zamboanga del Sur.
Batay sa kwento ng mga bata, na-trap sila kahapon ng hapon dahil sa biglang tumaas ang tubig habang binabaybay nila ito pauwi sa kanilang tahanan.
Bagaman at mahirap ang pag-rescue sa mga bata dahil madulas at malakas ang agos ng tubig, isa-isang nailigtas ang mga ito na isinakay sa kanilang jeep at hinatid sa kani-kanilang mga tahanan.
Sinabi ni Van Anthony Patayon, action officer ng CDRRMO Pitogo, nagpapatulo ang kanilang monitoring sa mga lugar na flood at landslide prone area.