Ligtas na pagdaraos ng Christmas party, paalala ng isang health expert

Kinakailangan panatilihin ang pagsunod sa mga health protocol para makaiwas sa COVID-19 at maiwasan na maging super spreader event ang Christmas Party.

Ito ang paalala ni Dr. Benito Atienza, Vice President ng Philippine Federation of Professionals Association sa harap ng inaasahan nang kaliwa’t kanang Christmas party simula bukas, December 1.

Aniya, dapat ang Christmas party ay idadaos sa mga open air space para free flowing ang hangin at dapat din aniya ay hindi buffet ang set-up ng salo-salo.


Kinakailangan din aniya na kahit sa mga hotel ay naka-mask pa rin at magtatangal lamang ng mask kapag kakain.

Dapat na ayusin aniya ang distansya ng mga table para mayroon pa ring social distancing.

Huwag na rin daw muna isama ang mga bata lalo na ang mga edad anim na buwan pababa dahil wala pang bakuna ang mga ito.

Sa ngayon aniya, mahalagang magpabakuna at magpa-booster shot dahil kung mahawa man ng virus ay hindi na ito hahanton sa severe o malalang sakit o matindi pa ay kamatayan.

Facebook Comments