Iba’t ibang kilos protesta kasabay ng Bonifacio Day, naging mapayapa ayon sa PNP

Naging mapayapa ang kaliwa’t kanang kilos protesta na ikinasa ng mga militanteng grupo kasabay nang paggunita ng Bonifacio Day.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson PCol. Jean Fajardo, wala silang naitalang untoward incident ngayong araw.

Aniya, may mga naitala ang Pambansang Pulisya na mga demonstrasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa pero ito ay naging maayos naman sa pangkalahatan.


Paliwanag pa nito, matapos maipahayag ng mga militante ang kanilang hinanaing at mga saloobin ay kusa naman silang nag-dispersed.

Tiniyak din ni Fajardo na ipinatupad ng kapulisan ang maximum tolerance.

Kabilang sa mga pinagdarausan ng protesta ngayong Bonifacio Day ay ang Plaza Miranda, Liwasang Bonifacio, Mendiola at mayruon din sa Cebu City.



Facebook Comments