Biliran – Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa mga Personnel ng Coast Guard Sub-Station Naval ang tatlong mangingisda na sakay ng motor banca 30 metro ang layo mula sa dalampasigan ng Barangay SMO Rosario, Naval Biliran.
Ayon kay PCG Spokesman Capatain Armand Balilo, ang nasabing coast guard sub-station ay agad nakipag ugnayan sa Naval Rescue Unit (NAVRU) para magsagawa ng search and rescue operations and medical assistance sa mga napinsalang biktima.
Paliwanag ni Balilo matagumpay na nasagip ng coast guard ang mga biktima at naitabi sa baybayin ang motor banca sa naturang Barangay.
Base sa report, umalis ang motorbanca sa Barangay Caneja, Calubian, Leyte patungong Barangay SMO Rosario, Naval Biliran pero habang pumapalaot ang nasabing motorbanca sapagitan ng Calubian, Leyte at Naval Biliran hinampas ng malakas na hangin at malalaking alon na naging dahilan ng paglubog ng naturang motorbanca.
Kinilala ang mga biktima na sina Rain Bautista, 26-anyos; Reynaldo Ramonida, 69-anyos; at William Guinto, 33-anyos; lahat ay kapwa residente ng Barangay Caneja, Calubian Leyte.
Pagkatapos na mabigyan ng medical assistance ang mga biktima ay itinurn-over na kaagad ng coast guard sub-station sa kanilang mga kamag anak na nakatira sa barangay sa Biliran.