BUY-BUST OPERATION | Drug suspek, patay matapos manlaban sa mga otoridad sa Lucena, Quezon

Quezon Province – Dead on the spot ang isang drug suspek matapos manlaban umanO sa mga pulis sa Feeder Road, Barangay Ibabang Dupay, Lucena, Quezon mag alas sais ng umaga kanina.

Kinilala ni Senior Superintendent Osmundo De Guzman, Provincial Director ng Quezon ang suspek na si Jerry ‘Otoy’ Casimiro, nasa 40-anyos.

Galing pa umano ng Makati ang suspek para magtulak ng droga sa lalawigan.


Ayon kay De Guzman, hindi sana hahantung sa pagkamatay ng suspek ang operasyon pero sa buy-bust operation sa Feeder Road nakatunog ang suspek na pulis pala ang kanilang katransaksyon kaya agad itong nanlaban.

Pinapatukan ng suspek ang mga operating unit dahilan para gumanti naman ng putok ang mga pulis dahil dito nasawi ang suspek.

Nakuha sa encounter site ang isang kalibre 38 na baril na kargado ng bala at 8 pakete ng hinihinalang shabu.

Facebook Comments