LIGTAS NA | Thailand government, naglabas ng video para patunayang nasa magandang kondisyon ang mga batang nasagip sa isang kweba

35

Thailand – Inilabas ng Thailand government ang video kung saan nasa mabuting kalagayan ang mga batang miyembro ng football team nasagip sa loob ng Tham Luang Cave System.

Sa video, makikitang nakaupo sa kanilang mga kama ang mga bata habang kumakaway.

Pinawi ng mga awtoridad ang pangamba ng publiko na posibleng may masamang nangyari sa mga bata.

Nabatid na umabot sa 17 araw ang mga bata sa loob ng kweba dahil sa biglaang pagtaas ng tubig doon.

Facebook Comments