LIGTAS | Pitong pulis, nakaligtas sa panananambang ng mga hindi nakilalang suspek sa Basilan

Basilan – Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya para matukoy ang mga suspek sa panananambang sa kanilang kabaro sa Lantawan, Basilan.

Sa ulat, mapalad na nakaligtas ang pitong pulis sa ginawang pag-atake ng mga hindi nakilalang suspek at walang nasugatan kahit isa sa kanila.

Ayon kay Chief Supt. Graciano Mijares, Police Director ng Autonomous Region In Muslim Mindanao (ARMM), pabalik na sana sa kanilang himpilan ang mga pulis sakay ng kanilang patrol vehicle matapos manggaling sa isang Barangay Anti-Crime Meeting.


Pero pagsapit nila sa Barangay Bulan-Bulan ay sinalubong sila ng mga putok ng baril.

Nagawa namang makaganti ng mga pulis at makatakas mula sa mga suspek.

Facebook Comments