Ligtas SUMVAC 2019 ng PNP umarangkada na

Sinimulan  na ng Philippine National Police ang Ligtas SUMVAC 2019 o ang paglalatag ng seguridad at public safety plan para sa buong panahon ng summer vacation o Ligtas SUMVAC 2019.

 

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang Ligtas SUMVAC 2019 sa ilalim ng Directorate for Police Community Relations ay tututok sa lahat ng police operational activities sa kalsada, kaligtasan ng mga motorista route security, traffic management, at  anti-criminality operation sa mga  major travel routes, mga matataong lugar , at tourist destinations.

 

Sa  pamamagitan aniya ng Ligtas SUMVAC 2019 mas mababantayan ang mga vital installations, mga transporstions terminals, commercial establishments, airports at seaports.


 

Magtatagal ang Ligtas SUMVAC 2019 nang hanggang sa pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo.

 

Layon ng security plan na ito ng PNP na matiyak na magiging ligtas at payapa ang mga Pilipino ay mga dayuhang namamasyal sa mga tourist destinations sa bansa.

Facebook Comments