LIGTAS TIPS PARA SA MAULANG PANAHON, IBINAHAGI NG LGU DAGUPAN SA PUBLIKO

Ibinahagi ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa mga Dagupeño at publiko ang ilang ligtas tips kaugnay sa pagpasok ng maulan ng panahon.
Matatandaan na noong Hunyo 2, Pormal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan.
Ilan lamang sa mga paalala na inilabas ng lokal na pamahalaan ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran kahit pa maulan upang makaiwas sa impeksyon o trangkaso.

Uso rin sa tag-ulan ang mga stagnant water na pinamumugaran ng mga insekto at maaaring pagmulan ng sakit na dengue, gayundin ang paggamit ng mosquito repellant.
Pinapayuhan din ang lahat na magdala ng mga panangga sa ulan tulad ng payong o kapote upang hindi mababad ang katawan na maaari pang pagmulan ng iba pang sakit.
Samantala, bagamat idineklara na ng PAGASA ang pag-ulan ay noong mga nakaraang araw naglalaro pa rin ang heat indices sa siyudad maging sa karatig bayan ng mula 42 hanggang 46 degrees Celsius. |ifmnews
Facebook Comments