LIGTAS | Wildfire sa Greece walang nadamay na Pinoy – DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino casualties sa nangyaring wildfire sa Greece.

Ang nasabing insidente ay nag-iwan ng 81 patay habang nasa 180 naman ang naitalang sugatan.

Kasunod nito nagpaabot na ng pakikiramay at simpatya ang DFA sa mga naulilang pamilya ng nasabing trahedya.


Samantala, patuloy na minomonitor ng Philippine Embassy sa Athens ang Mayo, Rafina at Kineta ang mga lugar na apektado ng wild fire at inaalam ang kalagayan ng ating mga kababayan doon.

Pero sa inisyal na report ni Embassy Chargé d’Affaires Rosario Lemque walang Filipino casualties.

Sinabi pa nito na base sa ulat ng mga otoridad, karamihan sa mga biktima ay pawang Greek nationals.

Kaugnay nito, inaabisuhan ang mga Pinoy sa Greece na wag magdalawang isip na magpasaklolo sa Embahada saka-sakaling maapektuhan ng wildfire.

Nabatid na ito na ang Greece’s worst fire disaster magmula noong 2007.

Facebook Comments