Manila, Philippines – Simula February 3, epektibo na ang panibagong direktiba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa pagpapatupad ng limitasyon sa bilang ng bumabiyaheng Transportation Network Vehicle Services.
Sa ilalim ng bagong breakdown, dapat ay 45,000 units lang ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) ang pumapasada sa Metro Manila habang 500 units sa Metro Cebu at 200 units sa Pampanga.
Batay sa datos ng LTFRB, sa ngayon ay may 125,000 units ng Grab at Uber ang buma-biyahe sa Metro Manila pa lamang.
Ang bagong patakaran ng ahensya ay para ma-regulate ang operasyon ng TNVS sa bansa matapos itong masilipan ng iregularidad sa kanilang polisiya noong 2017.
Facebook Comments