LILIMITAHAN | LTFRB, Lawyers for Commuters’ Safety and Protection, pinababantayan ang acquisition deal’ ng Uber at Grab

Manila, Philippines – Nais ng grupong Lawyers for Commuters’ Safety and Protection na bantayan ng LTFRB ang mga papasok na ‘new players’ sa operasyon ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) na magiging ka-kompetensiya ng Grab Holdings Incorporated.

Kasunod ito ng pinagtibay na ‘acquisition deal’ ng ride-hailing services na Grab at Uber na pansamantala namang ipinatigil ng Philippine Competition Commission (PCC) upang rebyuhin ang kasunduan at maiwasan ang monopolya sa multi-milyong dolyar na industriya.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, dapat tutukan ng LTFRB ang pagaayos ng sistema ng operasyon ng TNCs sa bansa.


Dapat bantayan ng ahensya ang pagdami ng aplikasyon at colorum units ng Grab at Uber at hindi regulated na mobile application ng mga ito.

Kabilang dito ang kanyang posisyon na dapat magpatupad ang kinauukulang ahensya na limitahan ang accreditation ng mga TNVS at dapat may regulasyon ang application development at usage ng mga ride-hailing services na dapat ay pinangangasiwaan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Facebook Comments