Manila, Philippines – Isinusulong ng ilang mambabatas ang pagkakaroon ng regulasyon sa pagpapataw ng parking fees sa mga shopping malls, hospitals, parks at iba pang establisyimento.
Ayon kay Manila Representative John Marvin Nieto, nakapaloob sa kaniyang panukala ang pagpapatigil sa mga vehicle parking operator na magpataw ng hindi makatarungang singil sa pagpaparada ng sasakyan.
Lilimitahan din ng panukala sa 40 pesos ang car park fee sa loob ng walong oras at dagdag na sampung piso kada oras na madadagdag.
Napapanahon na aniya para gumawa ng hakbang ang gobyerno para resolbahin ang dumaraming bilang ng mga sasakyan na nagreresulta ng matinding trapiko.
Bukod kay Nieto, naghain din ng kaparehas na panukala sina Quezon City Representative Alfred Vargas, Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers at Valenzuela City Representative Wes Gatchalian.